Mar Mosquite

    3
    54

    Magandang araw po sa lahat!

    Ako po si Mar M. Mosquite, AKA Kuya Mar, tatlumpu’t tatlong gulang. Ako po ay isang guro sa Mababang Paaralan ng Libongao. Siyam na taon na po akong nagtuturo. Ang aming paaralan ay may labintatlong guro. Ang amin pong kasalukuyang principal ay si Ma’am Lilibeth P. Colaba.

    Fast forward, ang aking asawa na si Merry Jane Mosquite ay isang tagasubaybay ni Michael Angelo Cortez, na kilala sa YouTube channel na Miyaki Sensei. Laking pasasalamat ko sa aking asawa dahil nakilala ko si Sensei. Tandang-tanda ko pa noong pumasok si MJ sa live at nakinig sa mga bedtime stories niya. Ang sarap pakinggan parang si Kuya Big Brother ng Pinoy Big Brother! Maganda ang mga content niya, talagang mapupulutan ng aral, at mayroon ding kantahan at sayawan.

    Nag-subscribe ako kay Miyaki Sensei dahil nagustuhan ko at sobrang nakaka good vibes talaga ang channel niya. Sa tuwing nagla live si Sensei, organisado at may aral talaga para bang nasa paaralan ka lang at may natututunan. At sa tuwing matapos ang live, napag-uusapan pa namin ni MJ ang mga ganap. Kaya noon, palagi na kaming nakasubaybay sa kanya tuwing may live siya sa YouTube channel niya.

    Hindi ko talaga malilimutan ang araw na napasubo ako sa challenge ni Sensei noong nag sing and dance ako ng kantang Bulaklak. Sa kantahan at akyatan sa livestream, talagang mahahasa ang talent mo.

    Sa palagi kong pagsubaybay kay Miyaki Sensei, lubos ko siyang nakilala at lalo akong humanga sa kanya dahil sa kanyang mga pinagdaanan sa buhay at kung paano niya nakamit ang tagumpay na tinatamasa niya hanggang ngayon.

    Ang isa pang nagustuhan ko sa channel ni Sensei ay talagang mararamdaman mong parang isang pamilya at magkakaibigan kayong lahat. Dahil sa kanyang mga pachallenge na kasama ang buong pamilya, lalong nabigyan ng pagkakataong makapag-bonding at nalilimutan namin ang mga problema sa buhay.

    Tandang-tanda ko noong nanalo si MJ sa pa-challenge niya na “Bakit ka deserving manalo ng laptop?” Pinagdarasal ko talaga na manalo siya, kasi sa panahon na iyon, kailangan talaga niya ng laptop para sa kanyang online class. At ayon nga, isa si MJ sa mga nanalo, at sobrang pasasalamat namin kay God na natupad talaga ang prayer namin. Nagpapasalamat din kami kay Sensei na binigyan niya ng pagkakataong manalo si MJ.

    Akala namin na hanggang sa YouTube lang namin makikita si Miyaki Sensei, pero umabot talaga siya ng Leyte! Gusto niyang makita lahat ng kanyang mga supporters. Nag-meet and greet kami sa Sabin at ang daming ganap! Kahit sa personal, ang dami niyang mga pasabog at papremyo sa amin.

    Laking pasasalamat ko kay MJ na sinamahan niya si Sensei na bumisita sa Libongao Elementary School. Ang saya-saya ng mga guro dahil hindi talaga nag-alinlangan si Sensei na bigyan ng labintatlong Smart TV ang school at isang laptop para makatulong sa mga mag-aaral at mas mapadali ang pagtuturo. Maraming naibigay na tulong si Sensei sa aming lahat.
    Nang sumunod na taon, bumalik si Sensei kasama si Ate Joy at Auntie Zee. Namigay sila ng pangschool supplies para sa lahat ng mga mag-aaral. Tuwang-tuwa ang mga bata sa kanilang natanggap, lalo na ang mga mahihirap na walang kakayahang bumili ng school supplies. At hindi lang iyon matapos nilang mamahagi ng biyaya sa mga bata, nag meet and greet ulit kami sa Sabin.

    Akala ko ay sa palaro at pa-challenge lang magtatapos ang gabing iyon, subalit nasurpresa ako nang nag-anunsyo si Miyaki Sensei kung sino ang makakatanggap ng laptop na dala-dala nila mula Japan. Sabi ko sa isip ko, “Ang swerte ng makakatanggap ng laptop na ‘yan. Kung ako lang sana, magagamit ko ‘yan sa klase ko, at kailangan ko talaga ng laptop noong panahon na iyon kasi sobrang loading halos kalahating oras bago siya mabuksan. bukod pa riyan, may mga letra sa keyboard na ayaw nang gumana.” Pero inisip ko rin na kahit sino ang mabigyan, ay talagang deserving. At boom! Laking gulat ko nang marinig ko ang aking pangalan ako ang tatanggap ng laptop,yehee!!! Sobrang nanginig ang katawan ko, kabadong-kabado at hindi makapaniwala sa narinig. Hindi ko napansin na tumulo na pala ang luha mula sa aking mga mata. Sobrang saya ng aking nararamdaman sa oras na iyon. Hindi ko nga binitawan ang laptop kahit nagdinner na kaming lahat. At hindi lang iyon grabe, wala na talaga akong masabi kay Sensei at Auntie Zee. Binigyan pa nila ng cellphone ang aking asawa. Isang gabi akong hindi nakatulog sa kaiisip sa mga ganap.

    Sa tuwing may achievement ang mga bata, mapa-academic man o sports, palaging may natatanggap na gantimpala mula kay Miyaki Sensei at Auntie Zee,hindi lang ang mga bata kundi pati rin ang mga guro. Laging may pa Jollibee at cash gift na aming natatanggap. At ang hindi ko lang matanggap ay sa dami ng biyayang ibinigay nila, ako ang sobrang tumatab. hahahaha!

    Isa rin sa hinahangaan ko kay Miyaki Sensei ay ang kanyang katalinuhan. Nagbahagi siya ng kanyang kaalaman sa pamamagitan ng isang educational forum tungkol sa Artificial Intelligence (AI), na may layuning magbigay ng impormasyon, magpaliwanag ng mga konsepto, at magturo ng tamang paggamit ng AI sa iba’t ibang larangan. Ang dami kong natutunan sa kanya. Pati ang mga guro ay namangha sa paggamit ng AI. Wala talagang katulad ang Sensei namin akalain mo, siya pa ang nag organize ng lahat, mula sa venue hanggang sa pagkain at may pasharon pa.hahaha!

    Hindi ko na mabilang at matandaan pa ang lahat ng naitulong nina Miyaki Sensei at Auntie Zee sa aming lahat,hindi lang sa mga guro kundi pati na rin sa mga baleleng sa Leyte.
    Nakakahiya mang aminin, pero dahil kay Miyaki Sensei, naranasan kong makapasyal sa mga isla tulad ng Kalanggaman, Cuatro Islas, at iba pang isla sa Leyte na hindi ko pa napuntahan noon dahil sa kakulangan ng financial na kakayahan. Thank you talaga, Sensei. At teka! Pati mga gamit niyang mamahalin, na-arbor ko pa. Nakakahiya man, pero komportable akong mag-joke sa kanya tungkol sa pag-arbor kasi ang bait-bait niya. Hehehe! Nagagalit at nahihiya na nga ang asawa ko, pero sabi ko, joke lang iyon! Ahaha! Pero sabi ko rin, “In every joke, there is a little amount of truth.” Ahahaha!!!

    Wala talaga akong masabi sa kanila. Napakabuting tao nila at hangad lang nila ang kabutihan, kapakanan, at edukasyon ng mga batang nasa Libongao Elementary School. At take note! Hindi lang sa Leyte umabot ang kanilang misyon na mapabuti ang buhay ng mga taong deserving ng tulong umabot ito sa buong sulok ng Pilipinas, sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
    Naging inspirasyon talaga namin sina Miyaki Sensei at Auntie Zee na pagbutihin pa ang pagtuturo bilang pasasalamat sa lahat ng kanilang naitulong.

    At bago ko tapusin ang aking testimonial, taos-puso po kaming nagpapasalamat kay Miyaki Sensei at Auntie Zee sa lahat ng inyong naitulong. Hangad po namin na kayo ay pagpalain ng mapayapa at masayang buhay. Palagi po akong nagdarasal para sa inyong dalawa na palagi kayong babantayan at gagabayan ng Panginoon sa lahat ng oras. Lagi po ninyong tatandaan na mahal na mahal po kayo ng inyong mga pamilya dito sa Leyte. Ang inyong iniwang bakas, at iiwanan pang bakas, ay hindi mabubura sa puso’t isipan ng mga kabaleleng, guro, at mga bata. Yehhhhhh!!

    P.S. Huwag ninyong abusuhin si Sensei. Galit ako sa inyo! Huwag pa-victim, mga beh! Galaw-galaw naman pag may time! Wosshhhh!! Watahhh!!

    3 comments

    1. Grabi kahilak masad ko ug tagok sir Mar habang Ng babasa totoo po Ang lahat na Sinabi mo sir Mar Isa Ako Jan makarelate kahit Hindi pakami ngKita sa Personal ni sir Mike @Aunte Zee Ramdamko parang nkita Kuna Sila at nayakap Kasi matagal na Ako viewers Ni Sir SenseiMiyaki at dami na rin akong natanggap na biyaya sa kanila Mula pa Kay Cute dee@Ambotsaimo Bakit kaya biglang laho Sila nasaktan Ako doon🙏🙏🙏a@de Kuna Sila Nakita mag Support Kay Sir Mike Ang luha ko Di na mapigilan Sir Mike tulo nang tulo omg bbye 😭😭

    2. Paano ko maumpisahan Ang liham ko na iyak nang iyak Ako Mamaya pag maawat na luha ko sir mike oi Dito koba na ebahagi sir Mike?ano yong Website ano ilagay ko doon diko alam eh hehehe huhuhu Hindi parin nawala Ang tulo nang luha ko sir Mike sir Mar Kasi Inumpisahan awat na pls may work paako kagigising,ko lang daming luha na dumadaloy😭😭😭🙏🙏🙏😭😭♥️♥️bbye muna now balikan ko ito @magbahagi den Ako nang liham syo Sir Mike @Aunte Zee🙏🙏

    3. simula noon nkilala ko rin sir mike Hanggang ngaun wla tlga pinagbago subra matulungin niya sa lhat lalo na team balelengs..isa din yan sa wish ko balang araw makilala ko rin si sir mike at auntie zee

    Leave a reply

    Please enter your comment!
    Please enter your name here