Jenny Madonna Puerto

    1
    57

    Hi Sensei/Sir/Tito Mike! Maligayang araw sa’yo! Gusto ko lang balikan kung paano kita nakilala. I forgot what was the exact year na nagsubscribe ako sa inyong channel pero one thing is for sure matagal mo na akong subscriber sa youtube at sa page mo sa Facebook. Bago kita nakilala may isang youtuber akong sinuportahan at sinabi niya sa amin dikitan namin ang youtube channel mo at doon kita nakilala. I can still remember noong unang pasok ko sa channel mo, kwentuhan at kantahan ang ganap at dahil bago pa nga ako hindi ka basta-basta nagbibigay ng moderator lalo na at hindi mo pa lubos na kilala. Gustohin ko mang makipag interact through live chat, “limited” lang ang pwede ko isulat kasi nga spam ako at nawawala yung sasabihin ko pag sobrang haba ang icocomment ko.

    Fast forward. Pumasok ulit ako sa channel mo at doon napapansin mo na siguro ang pangalan ko kaya binigyan mo ako ng “moderator”. Tuwang-tuwa ako that time kasi pag may jacket ka para ka na ring nanalo dahil ang importante talaga sa lahat ay pag papasok ka sa isang livestream may jacket ka para unlimited ang sasabihin mo. Hanggang sa dumating yung araw na may mga pa entry at isa ka sa mga sponsors, grabe kung magbigay pa premyo, mapapatanong ka nalang kung hindi ba nauubusan ng pera ang isang Miyaki Sensei? At saksi ako doon dahil bilang isang supporter mo, kita ng dalawang mata ko at naririnig ng mga tenga ko kung sino ang mga natulungan mo at isa ako doon.

    Last December 16,2021, isa ang lugar sa amin ang nasalanta ng “Bagyong Odette” at sa hindi inaasahang pangyayari nagkaroon ng partially damage ang aming bahay, nilipad ang iilang yero sa aming bubong at nawalan kami ng kuryente for almost 2 months, at dahil sa nangyari sa amin dumating ang point na sumabak ako sa pa challenge mo at yun ang unang challenge na sinalihan ko ng walang pagdadalawang isip. At walang mapaglalagyan ang kasiyahan ko dahil isa sa mga wish ko ang tinupad mo. Hanggang sa sumali na rin ako sa iba’t ibang pa contest ng nag iisang “Miyaki Sensei”. Isa sa mga nagustuhan ko sa channel mo ay ang pagiging totoo mo. Ayaw mo sa ma drama at lahat ng mga sinasabi mo ay nakakapulutan ng aral. Hindi ka lang basta’t bastang isang vlogger kundi naging kaibigan/tito ka ng karamihan. Isa ka rin sa mga nagbibigay advice sa amin pag may problema at kailangan kami, kaya sobrang swerte namin dahil nakilala namin ang isang Sensei Miyaki.

    Bago ko tapusin ito, Sir Mike, gusto ko lang magpasalamat nang lubusan sa inyo at ni Auntie Zee dahil sobrang dami niyong natulungan. Ipapangako ko na hanggang sa pagtanda ko, hindi ko kayo kakalimutan dahil kahit saang sulok ng aming bahay, isa kayo sa nagbigay ng tulong para kami ay makakabangon noong Bagyong Odette. At sobrang nagpapasalamat din talaga ako dahil nakilala at nakita ko kayo sa personal. Isa kayo sa mga vlogger na pinuntahan talaga ang lahat ng mga supporters mo from Luzon, Visayas, and Mindanao. Wala akong hiling sa itaas kundi bigyan pa kayo ng mahabang buhay at ang iyong tiyahin na si Auntie Zee. God bless you always, Sir Mike and more power to your Youtube channel.

    Lablab,
    Jenny Madonna M. Puerto a.k.a itschaie

    1 comment

    Leave a reply

    Please enter your comment!
    Please enter your name here