Magandang araw po!
Ako po si Gng. Lorna Obeña-Patalinghug, isang guro at ang Tita Lagets ng Libongao Elementary School, isang medium size school ng Kananga, Leyte, Philippines.
Nakilala namin si Sir Mike through a friend na naging friend niya rin sa social media. Sinabi niya sa amin na may dadalaw sa aming paaralan from Japan. Syempre namangha kami’t di sukat akalain na sa unang dalaw niya, siya ay nagbigay sa amin ng mga kagamitang magagamit namin sa aming pagtuturo. 13 television sets para sa 13 classrooms at isang laptop para sa aming ICT coordinator. During recess time at lunch break di na masyadong amoy pawis ang mga bata dahil nawiwili silang manood ng mga online na mga palabas gaya ng Tiktok Mashups.
Ng sumunod na taon bumalik si Sir Mike kasama si Auntie Z, ang kanyang tiyahin na kagaya ni Sir Mike mayroong puso sa mga bagets. Nagbigay sila ng pang school supplies para sa lahat ng mga bata, two thousand pesos per class. Syempre tuwang-tuwa ang mga bata sa kanilang natangap. Bumalik ulit siya pagkatapos ng isang taon at isinama niya ang kanyang kaibigan na isang Japanese, si Sir Syinggo. Ang sorpresa nila sa mga bata ay ice cream at chocolates sa mga teachers. Silang dalawa pa ang nag scoop at namigay sa mga bata ng ice cream. Nakakatuwa naman at hindi lang mga bata ang masaya kundi sila din na nag serve/scoop sa ice cream.
Nitong nagdaang buwan bumisita ulit si Sir Mike. Pinagshopping kami ng mga school supplies para aming mga pupils. Kinabukasan pumunta sila sa school kasama ang kanyang dalawang estudyante. Maydala silang ice cream. Gaya ng dati tuwang-tuwang ang mga bata sa pa ice cream nila at game na game naman ang mga binatang kasama ni Sir Mike. Sila ang nag scoop sa ice cream at namigay sa mga bata. Noong nakaraang linggo nagkaroon ng pakontest ang aming District at karamihan sa aming contingents ay top three, nalaman ni Sir Mike at pinadalhan niya ang mga bata at coaches ng pang Jolibee, dahil sharing is caring lahat ng teachers ay nakakibets.
Dahil diyan, kilalang-kilala si Sir Mike at Auntie Z ng mga bata.
God Bless and more power to you Sir Mike and Auntie Z for your advocacies in life.