Amalia De Castro

    0
    597

    Ako po si Amalia De Castro, una kong nakita si Sir Mike dahil sa naging libangan namin ng mister ko ang panonood sa YouTube naeenjoy namin at kahit na nasa malayong lugar ang live na pinapanooran namin parang lapit lang. Dahil sa pandemia sa Covid naging taong bahay lang talaga kmi at dahil sa ang paraang pwede mong paglibangan ay ang intrnet dito rin nmin nakilala ang natatanging gurong si Sir Miyaki Sensei. Kahit nga sa dami naming nakilala sa YouTube na dinikitan iba ang pakiramdam namin ng makilala nmin ni Romulo Salao si Sir Mike, parang gaang ng loob namin sa kanya yun pala ang simula ng palagian naming pagpunta sa kanyang live sa YouTube. Inaabang abangan namin siya, madali lang siyang maintindihan sa gusto nya at sa ayaw niya.

    Dahil sa Covid, talagang nakulong na kami sa bahay at naging gawi na namin ang makipag kwentuhan kay Sir Mike sa oras ng nag lalive sya – masaya at nakakawala ng antok ayaw nya ng sobrang puyatan hindi sya ung uumagahin ka sa puyatan. Parang pamilya ang turing nya sa lahat yun ang nagustuhan namin sayo Sir Mike at dahilan kung bakit mga anak ko at kaibigan ng anak ko chinachat ko pag may livestream. Lahat ng mga pinupuntahan ko kapag may live lahat sila binitiwan ko isa lang talaga ang hindi ako bumitiw kay Sir Mike / Miyaki Sensei lang pumirmi. Naramdaman ko kasi yung pagiging guro niya na para niya tayong mga estudyante inaalagaan binibigyan at pinatatawa at inaaliw sa kanyang mga kinakanta. Higit sa lahat, may pakunswelong bigay niya pra sa mga mag aaral na para lalong pag-igihan ang pag-aaral at pilit nyang pinasasaya ang ating Pasko – araw ng pagsilang ng ating si Baby Jesus tuwing Christmas mayroon syang naibibigay sa atin na hindi mo na kailangang mayroon kang sangka terbang videos para masabing sa iyo ang premyo. Ang mahalaga lang totoo kang tao.

    Sobrang pasalamat ko dahil nakilala namin kayo sa lungkot at saya nakasama nmin kayo para kayong hulog ng langit ni Auntie Zee sa buhay namin sa Salao Family dahil nakita niyo ang pagkatao ng mga anak ko sa pamamagitan lang ng pag-akyat nila sa live niyo. Kaya nman ngayon, alam ko na masaya nakikita ni Romulo na hindi nasayang ang mga pagpunta namin sa live niyo sa YouTube noong kalakasan pa nya yung mga napapanalunan nila John Carl Lique dahil talagang parang anak na rin ang turing ko sa kanila. Ibinabahagi nila sa gamot ni Romy, pero sadyang kung may saya may kalungkutan dahil lumisan ang pinaka importanteng tao sa amin, biglang sinagot naman ang aking dasal dahil sa inyong naibigay na trabaho kay Jeff na anak ko. Yun talaga ang gustong gusto nya noon pa ang magtanim at mag-alaga ng alagaing hayop at nagkaroon ng liwanag ang magandang bukas para sa anak kong si Mari nang inyo sya mapaakyat sa live nakita nyo ang kanyang kagustuhang makapagtapos at maabot ang kanyang mga pinapangarap sa sipag at tiyaga. Salamat Sir Mike ngayon aking bunso nalang ang aking iniisip napagaang nyo po ni Auntie Zee ang bigat ng aking dalahin sa buhay, Salamat po ng marami pagpalain po kayo at mabuhay po kyo ng masaya at may malakas na pangangatawan at mas pagpalain pa po kyo ni Auntie Zee, Sir Mike. ❤️❤️❤️???